
Another chapter is about to unfold...
Haay...I just had a weird day yesterday. It was around 8 o'clock in the evening. We were about to watch CSI when my little sis looked into our window and saw a lot of people standing outside our house. They were all looking on the same direction. So I went out to see what the commotion is all about.
Kay naman pala, a cable wire sparked and caused fire in one of the posts a few houses near ours. Daming spectators. When we went out, the Meralco was just leaving because the fire has been prevented. Yet, di pa agad kami pumasok dahil meron pang konting sunog. Di naman malaki o wala namang pinsala. Natakot lang kaming lahat. Maya-maya nagka black-out sa lugar namin. Dun na tuluyang nawala ang spark nung cable.
So panatag na naman ang loob namin. Kahit na black-out, pumasok na kami ng bahay at natulog na lang. It was around ten then. Di pa ko makatulog so I turned on my walkman and listened to some music. Maingay pa rin sa kabilang bahay kaya di din ako agad makatulog kahit tipong lullaby na ang mga kanta.
Maya-maya, nagka-ilaw na uli. Medyo tumahimik na sa kabilang bahay. Medyo dinadalaw na ko ng antok nang bigalng may sumigaw sa kabilang bahay ng sunog. Ano? I got up and went outside the house. Paglabas ko, I looked in the direction of the post na nasunog earlier that night. Wala namang sunog. Yun pala may malaking sunog na sa kabilang direaction ng street namin. Ang laki na ng sunog. Dami na ng taong nagtatakbuhan. Maya-maya lumabas na rin ang mom ko. It took almost three hours para mamatay ang sunog. Nahirapan kasi ang mga bumbero dahil squatter's area ang lugar ng sunog kaya di nila maabot dahil malayo sa main road.
Napaka-weird ng gabing yun. Grabe, kinabukasan nabalita sa 24 Oras ang sunog. Malaki nga talaga dahil may mga na-trap at may jeep pa na nasunog. Whew, thank God. Thank God talaga. Kawawa naman yung mga nasunugan. 